Dreams are beyond Galaxies

Kakagaling lang kanila mark na overnight. sobrang saya lang kasi kung ano ano ginawang music video hahaha! pati pagod at puyat ang lumitaw kinaumagahan.
Kaninang 3:00PM ay nasa PETA Theater kami sa may QC, batch namin ng ABMA ang mga pumunta, at habang papunt palang din sa venue eh magkakasama na ang aming batch, nakakatuwa lang kasi isang mahabang at walang tao na jeep ay napuno saaming studyante, may mga upong tres pa nga eh. kaya nga lang naiwan magisa sa isang jeep si mikee, dapat pala sinamahan ko siya, di ko namalayan na di siya nakasakay. kasi siya yung una ko kasama papunta ng magallanes kanina umaga. Nag kita lang kami sa ATC by chance at nag decide na sabay nalang. :P
Astig nga pala yung play, sulit din yung 300 pesos na ginastos namin :D lively yung crowd kahit maraming part kaming di maintindihan dahil sa bilis ng pag sasalita at lalim ng bawat salita. nakakatuwa talaga.
Lahat ng nag act ay Lalaki kahit ang role niya ay babae, at take note, Kalbo sila lahat. sobrang to the max galing nila umarte, lively na lively yung mga audience dahil nagsisingit sila ng mga jokes sa gitna. props din ay napapalakpak nalang ako sa sobrang galing ng production. Masasabi mo talaga na professional sila sa ginagawa nilang acting, saludo ako sa kanila.
At nang pauwi na kami, sumama ako sa classmates ko, adonnie, sherwin, elaine at mikee, tapos nag ka agreehan kami na mag walktrip nalang kasi sabi ni adonnie na 15-30 mins walk lang daw. sabi naman namin go lang tipid tipid din sa pera, sandali lang naman ung 15-30 minutes.
ABA! hahaha! naging lagpas 1 hour ang nilakad namin at pagod na kami nun, parang tinour lang kami ni adonnie sa mga tambayan sapot nilang mag kakatropa at sa Big brothers house, ABS-CBN at TV5. biruin mo from PETA, naglakad kami at nadaanan pa ang ABS hanggang makapunta kami ng EDSA malapit lang sa GMA-Kamuning MRT station. hahaha! haggard!
basta daming nanyari sobrang pagod lang talaga! hahaha! pero happy day naman! :D
Wag sana iparehas ang pag-tampo sa galit… :)

Ok! REDO! After one year na nagtry mag tumblr, at di din ginalaw ulit, susubukan ko ulit! Hahahaha! Diba nga “Try and try until you die”? pero… wag na yung die na part.
Wala lang kasi yung mga kaibigan ko pinagkakaabalahan ay tumblr minsan, blockmates, higher batches, close friends… kaya try ko, kasi pag naguusap sila tungkol sa tumblr na OP ako… di makarelate ba kamo?? (Inget ka lang!) hahaha!
So and term na “Seyfert” hmm… ano nga ba ito?? (Sabihin na kasi pa bitin letse) :P Hahaha since mahilig ako tumingin sa stars pag gabi (Kahit walang telescope) napasearch ako di sa oras ng Galaxies! kasi wala lang feel ko eh, bakit ba? :D So eto,
Naalala ko rin pala yung seyfert na palang sa lumang game na paborito ko dati sa PS1 “Tales of Destiny 2” hehehe.
Ayun try ko ulit mag tumblr sana masayaaa! :D
PS: Alam ko moon yung nasa picture. Sorry naman, Wala akong telescope para makakita ng galaxy eh, :D ipon nalang para makabile!
Because Dreams, are beyond the Galaxies! :DDD